(Author's Note: Ang intense ng mga kaganapan sa birthday celebration ni Yan kagabi c/o @Sleazeeee! [At hanggang 2AM lang kami andun, ano pa kaya mga nangyari after?] At dahil doon, narito ang una sa tatlong chapters na ipo-post ko today. - Lee)
Kanina
ay ni-review sila ng kanilang Math teacher tungkol sa iba’t ibang behavior ng
lines. Line na may positive slope, zero slope, undefined slope, at negative
slope. Noon lamang hindi nakapagconcentrate
sa Math class si Tin. Napatingin siya kay Sophie na noon ay abalang kinokopya
ang mga sinusulat ng guro sa pisara. Line with a negative slope. Patihulog ang
itsura ng linyang ito. Kagaya ng damdaming nilabanan niya noong nakaraang
walong taon, at muling nagbalik noong magsimula ang pasukan.
No comments:
Post a Comment