(Author's Note: At natapos din ang UAAP Cheerdance Competition 2012! Partey partey, UP, FEU and NU! Muli, salamat sa pag-RT @proudmaroon2, @kloseta, @TomboyTips, at @Sapphic_Lounge! Salamat din sa pagbabasa, Yan! - Lee)
Masaya
si Tin kapag nakakasama si Sophie. Asar na asar naman siya kapag may ibang
nakakasama ito. Lalo na kapag may mga haliparot na lalaking nagpre-presinta na
makisabay sa kanila tuwing lunch break o uwian. At mas inis na inis siya kapag
pumapayag si Sophie. Umabot sa sukdulan
ang pagka-irita niya last week. Lumapit kay Tin si David, ang pinaka-cute na
lalaki sa klase nila. Maputi ito at medyo singkit. Nasa Football Varsity si David.
Bago dumating si Sophie ay ito ang laging nakakasama ni Tin dahil hilig din ni
Tin ang soccer. Sa unang sleepover niya kina Sophie, sinabi ni Tin sa Truth or
Dare na si David ang crush nito sa klase nila. Ayaw kasi siyang tantanan ni Sophie
nang sinasabi niyang wala siyang crush. Hindi inaasahan ni Tin ang dahilan ng
paglapit ni David sa kanya. Ipinapaabot nito ang love letter para kay Sophie.
Kulong-kulo ang dugo niya. Pagdating ng uwian ay ibinigay ni Tin kay Sophie ang
sulat. Lalo lang siyang nainis nung binasa ni Sophie sa harap niya mismo ang
laman ng love letter. Niyayaya ni David si Sophie upang mag-mall kinabukasan. Matalim
na tingin lang ang iginanti niya nang tanungin siya ni Sophie kung gusto niya
ring sumama sa mall. Pagkatapos nun ay tinalikuran niya si Sophie. Nagdahilan
siya at hindi sumabay kay Sophie sa pag-uwi. Hindi rin naman siya pinilit nito.
Hindi
niya tinext si Sophie buong weekend. Sa sobrang inis ay dinelete niya ang number
ni Sophie sa cellphone niya. Mula Lunes ay hindi pinapansin ni Tin si Sophie.
Kung tinatanong naman siya ng kaibigan ay hindi niya ito kinikibo. Pilit itong
nagpapaturo sa Math pero idinadahilan niyang busy siya. Kaya naman si David ang
kasa-kasama ni Sophie habang nagpapaburo si Tin sa library. Inis na inis si
Tin, pero hindi niya naman maintindihan kung bakit. Hindi niya naman totoong gusto
si David. Bakit siya maiinis kung kay Sophie ito may gusto? Natigilan siya sa
sumunod niyang naisip. Paano kung may gusto rin si Sophie kay David?
No comments:
Post a Comment