(Author's Note: Almost there.. - Lee)
“I’ve
been waiting all night for you to make a move,” malambing na bulong ni Sophie.
“Mag-uumaga na, naghihintay pa rin ako. I realized I had to take matters into
my own hands. Ok ka lang ba?”
Katahimikan.
“Hey.”
Idinilat
ni Tin ang mga mata.
“B-bakit…”
“Bakit
ano? Tin, for a Math genius, you have problems putting two and two together.”
“Akala
ko magagalit ka kapag…”
“Tin, I’ve liked you since we were kids. And I know you like me too. I mean, sinuntok mo pa nga si Nonoy when he teased me and called me ‘tomboy baboy’ during our birthday. Remember that?”
“Tin, I’ve liked you since we were kids. And I know you like me too. I mean, sinuntok mo pa nga si Nonoy when he teased me and called me ‘tomboy baboy’ during our birthday. Remember that?”
Naaalala
niya na ngayon. Kaya siya nakipagsuntukan kay Nonoy. Kaya hindi na siya nakipag-usap
kay Sophie pagkatapos ng kaarawan nilang dalawa. Nagalit siya sa salitang
ginamit ni Nonoy para tuksuhin sila. Tomboy. Natakot siyang kutyain siya ng mga
tao kagaya ng pangungutya ni Nonoy.
“P-pero…”
“Pero
ano?”
“So…”
“So stop
rationalizing everything and let’s both get some sleep, ok?”
Pagkasabi
nun ay isinuksok ni Sophie ang kanyang kamay sa gitna ng leeg at unan ni Tin para
maihiga niya ito sa kanyang braso. Saka ginagap ni Sophie ang kamay ni Tin, at
ikinapit ito sa kanyang bewang. Sa sobrang lapit ng kanilang mga katawan, alam ni
Tin na dinig ni Sophie ang kalabog ng kanyang dibdib.
No comments:
Post a Comment