(Author's Note: Thizizit for the day! Namnamin... - Lee)
Walang anu-ano’y nakita ni Tin na
gumalaw si Sophie. Parang slow motion ang mga pangyayari at sa isang iglap ay
magkaharap na sila. Natigilan si Tin. Mahimbing pa rin ang tulog ng kaibigang
malalalim ang bawat hininga. Letcheng asymptotic relationship yan. Hindi kayang
tanggapin ng kanyang isipan na yun na lamang ang magiging kahahantungan ng
nararamdaman niya kay Sophie. Marahang humugot ng hininga si Tin. Tiningnan ang
manipis na labi ni Sophie. Ipinikit ang mga mata. Naalala niya ang larawang
nasa mesa na katabi ng kasalukuyan niyang hinihigaan. Alam niyang sa gagawin
niya’y maaaring masira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Idinilat ni Tin ang mga
mata. Hindi niya inaasahang makita ang papalapit na mukha ni Sophie. At kasabay
nito ay naramdaman ni Tin ang paglapat ng mala-bulak na mga labi ni Sophie sa
mga labi niya. Noon din ay sumabog sa kanyang isipan ang huling bagay na
ni-review nila: finding the solution of a system of equations, kung saan ang
sagot ay ang point of intersection ng dalawang linya. Napapikit si Tin. Bahagyang
ibinuka ang mga labi. Gumanti ng marahang halik.
No comments:
Post a Comment