Friday, September 21, 2012

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 5

(Author's Note: Busy-busyhan mode mula kahapon kaya late posting itey. Salamat sa pagsusubaybay!)

Previous Chapters: 1 2 3 4


“Yey! Thanks for coming over! I really need your help.”
“Para namang may choice ako. Bakit ba kasi ngayon ka pa magpapaturo eh bukas na ang exam?”
“Uh, correct me if I’m wrong but I’ve been trying to ask for your help the whole week. Eh hindi mo naman ako pinapansin.”
“Busy ako. At may sarili naman akong buhay, ‘no.”
“Right, so I can’t be part of that life?” Sandaling katahimikan. “You’re just like them.”
Alam ni Tin na seryoso ang pagdaramdam ng kaibigan. Instant Miss Popular si Sophie mula nang dumating ito nung Hunyo. Kasabay ng kanyang pagtangkad ay nabawasan siya ng timbang. Hanggang batok ang itim nitong buhok at bahagyang natatakpan ng bumabagsak na bangs ang bilugan niyang mga mata. Halos lahat ng boys sa klase nila ay agad na nagkagusto dito. Pati seniors at nasa lower years, nagpapa-abot ng pagkagusto kay Sophie. Bukod kasi sa maganda ito’y maayos rin itong makitungo. Madalas man itong Inglisera, nag-Tatagalog din ito kung minsan. Dahil nga magkakilala na sila, si Tin ang agad na nakagaanan ng loob ni Sophie. Noong umpisa ay iniiwasan pa ni Tin si Sophie. May tampo pa rin ito sa biglang pag-alis ng kaibigan may walong taon na ang nakakaraan. Pero dahil na rin sa pangungulit ni Sophie ay hindi niya na ito tuluyang naiwasan. Sa loob ng halos limang buwan mula nang mag-umpisa ang pasukan ay silang dalawa ang madalas magkasama sa recess at lunch break. Minsan ay sinasabay na rin ni Sophie si Tin sa pag-uwi. Maraming kwento si Sophie kay Tin, mula sa mga napuntahan niyang mga lugar sa Amerika, ang pambu-bully na naranasan niya noong bagong dating siya doon, at ang malimit na pag-aaway ng mga magulang nito.

No comments:

Post a Comment