(Author's Note: By the way, I've added a Reactions feature at the bottom of each post. Please 'Like' the chapters that you... er... like. Hehe - Lee)
Isang
sulyap sa alarm clock ang kumabog sa isipan ni Tin. Alas kwatro na. Kahit ang
himig ng aircon ay di siya kayang ihele. Sa halip, parang mas ginigising siya
ng ugong nito. Tumigil na ang paghihilik ni Sophie. Dahan-dahang bumaling si
Tin para harapin ang natutulog na kaibigan. Kitang kita niya ang payapang mukha
nito. Straight line daw ang shortest distance between two points. Halos isang dangkal
lang ang kanilang agwat pero noon naramdaman ni Tin kung gaano kalayo silang
dalawa. Hindi isang simpleng straight line ang makakapaglapit sa kanila. Pakiramdam
niya’y asymptote lamang siya para kay Sophie. Malapitan niya man nang malapitan
ang kaibigan ay hindi niya ito maaabot. Dahil kay David. Hindi. Dahil kahit
wala si David ay hindi pa rin pwede.
No comments:
Post a Comment