(Author's Note: Here's the second installment. Special thanks to Twitter's @TanginaTibs and @TomboyTips for RT-ing the link to their followers! Click here for Chapter 1. Enjoy! Again, comments are very welcome and much appreciated. -Lee)
Katatapos
lang maghapunan ni Tin nang matanggap niya ang text galing kay Sophie. Kaaakyat
niya lang sa kwarto upang mag-aral para sa quiz nila sa Algebra kinabukasan. Nung
isang lingo pa niya pinagpapabukas ang pag-aaral. Gusto niya sanang maagang
matapos. Ayaw niyang maging lantang gulay kinabukasan dahil sa kakulangan ng tulog.
Nakapusod ang buhok niyang hanggang balikat upang maibsan ang alinsangan na
hindi kayang puksain ng naghihingalo niyang bentilador. Kabubukas niya lang ng
aklat nang tumunog ang kanyang cellphone. Numero lang ang nakalagay at walang
pangalan. Alam niyang si Sophie ang tumatawag. Nag-aatubili man ay sinagot niya
ito.
“Hey,
math genius. Punta ka dito.”
“Ngyak.
May pasok tayo bukas. At may exam!”
“That’s
why you’re coming over, magpapaturo ako.”
“Tsk.
Gabi na. Di ako papayagan ng Nanay. Sige na, bye.”
Inilagay
ni Tin sa Silent ang cellphone at marahang hinagis sa ibabaw ng kanyang kama.
Nang maisagawa ng cellphone ang safe landing maneuver ay tinitigan niya pa ito
nang ilang segundo. Nakita niya itong umilaw, tanda ng bagong mensaheng
natanggap. Sigurado siyang galing yun kay Sophie, malamang para kumbinsihin
siyang pumunta sa kanila. Hindi niya ito pinansin at ibinaling ang atensyon sa
pinag-aaralan. Hindi niya pa natatapos iguhit ang graph ng f(x)=x2 -5x + 6 nang marinig niya ang pagtawag ng
kanyang Nanay mula sa sala. Naiiritang bumaba si Tin.
No comments:
Post a Comment