“Bakit po, ‘Nay?”
“Eh
anak, tumawag sa ‘kin si Sophie. Pinagpapaalam ka, magpapatulong daw para sa
exam niyo bukas. Puntahan mo na muna.”
“Ha? ‘Nay,
eh mag-aaral din po kaya ako.”
“Eto
naman, parang nag-aaral ka na rin niyan. Ano ba naman yung tulungan mo ang
kaibigan mo. Tandaan mo, kung hindi dahil sa Mama ni Sophie eh…”
“… wala
ako dito ngayon sa mundo,” pagtatapos ni Tin sa linyang saulado na niya. Kahit
noong maliit pa siya’y lagi nang kinukwento ng Nanay niya kung paanong si Dr. Suarez
ang naging Ob/Gyn nito, na siya ring umalalay sa pagsilang kay Tin.
“Papunta
na raw dito yung driver nila para sunduin ka. Sabi ko nga ako na lang ang
maghahatid sa ‘yo kasi dyahe naman at maaabala pa sila.”
“Oo nga
naman, ‘Nay, dyahe naman at siya pa
ang maaabala.”
“Asus…
‘Tong anak kong ito talaga. Huwag ka nang magsungit diyan. Magbihis ka na.
Friday naman bukas kaya half-day at PE uniform lang kayo. Yung deodorant tsaka
toothbrush mo, huwag mong kalimutan. Tsaka magdala ka ng extra panty…”
“Oh my
god. ‘Nay, hindi ako 5 years old!”
“Pinapaalalahanan
lang po kita, Maria Kristina. Sige na, bihis na.”
No comments:
Post a Comment