Friday, September 28, 2012

Tuesday, September 25, 2012

New Series Coming Up!

So I just got back from a few days' stay in a happy place. Hay, LDR blues. The sights and sounds of airports are both warm and cold depending on whether you're coming or leaving. Also, riding a plane is one of the things that really scares me but heck, buwis buhay na 'to!

This constant visits to airports and airplanes inspired the new web series that I will be posting over the next couple of days. I wrote the majority of the story during one of the many grueling one-hour plane rides that I took. Unlike Kung Hindi Man Makatulog which was for young adult readers, this one is rated SPG (Shhh.. Prrr.. Grrr..) and directed towards more mature audiences. Oh, and this one is written in English.

Chapter 1 will be posted later tonight. I hope you all enjoy it! :)

Monday, September 24, 2012

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 14


(Author's Note: Narito na po ang huling kabanata sa kwento nina Tin at Sophie. Sana ay nasiyahan po kayo kahit paano. Maraming maraming maraming salamat sa lahat nang mga matiyagang nagbasa at nag-RT. Sa mga katulad kong hindi nakakatulog kapag katabi si special friend, para sa inyo ang kwentong ito. - Lee)

Previous Chapters: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13

Marami pa ring katanungan ang kanyang utak. Kagaya nang, ano na ba sila ngayong dalawa? Ipapaalam ba nila ito sa kanilang mga kaklase? Kung ang dalawang points ay magkapareho, bakit ang slope nitong 0 over 0 ay indeterminate? Indeterminate. Parang status nila ngayon ni Sophie. May ganung status ba sa Facebook? Maraming marami pa ring katanungan ang hindi kayang bigyan ng kasagutan ni Tin. Sa ngayon, isa lang ang nasisiguro niya.
Makakatulog na siya, sa wakas.

~TAPOS~

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 13


(Author's Note: Almost there.. - Lee)

Previous Chapters: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12

“I’ve been waiting all night for you to make a move,” malambing na bulong ni Sophie. “Mag-uumaga na, naghihintay pa rin ako. I realized I had to take matters into my own hands. Ok ka lang ba?”
Katahimikan.
“Hey.”
Idinilat ni Tin ang mga mata.
“B-bakit…”
            “Bakit ano? Tin, for a Math genius, you have problems putting two and two together.”
            “Akala ko magagalit ka kapag…”
            “Tin, I’ve liked you since we were kids. And I know you like me too. I mean, sinuntok mo pa nga si Nonoy when he teased me and called me ‘tomboy baboy’ during our birthday. Remember that?”
            Naaalala niya na ngayon. Kaya siya nakipagsuntukan kay Nonoy. Kaya hindi na siya nakipag-usap kay Sophie pagkatapos ng kaarawan nilang dalawa. Nagalit siya sa salitang ginamit ni Nonoy para tuksuhin sila. Tomboy. Natakot siyang kutyain siya ng mga tao kagaya ng pangungutya ni Nonoy.
“P-pero…”
“Pero ano?”
            “So…”
“So stop rationalizing everything and let’s both get some sleep, ok?”
Pagkasabi nun ay isinuksok ni Sophie ang kanyang kamay sa gitna ng leeg at unan ni Tin para maihiga niya ito sa kanyang braso. Saka ginagap ni Sophie ang kamay ni Tin, at ikinapit ito sa kanyang bewang. Sa sobrang lapit ng kanilang mga katawan, alam ni Tin na dinig ni Sophie ang kalabog ng kanyang dibdib. 

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 12


(Author's Note: Last 3 chapters.. - Lee)

Previous Chapters: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11

Ilang sandali pa ay iniatras ni Sophie ang mukha nito. Iyon na ang pinakamahabang dalawang segundo ng labinlimang taong paglalagi ni Tin sa mundo. Parang may sariling tibok ang kanyang mga labi. Nalalasap pa niya si Sophie dito. Nararamdaman pa niya ang hindi maipaliwanag na kalmadong pagkataranta na dulot ng marahang pagkulong ni Sophie sa kanyang ibabang labi.
“Hey.”
Hindi nakasagot si Tin. Nakapikit pa rin. 

Sunday, September 23, 2012

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 11


(Author's Note: Thizizit for the day! Namnamin... - Lee)

Previous Chapters: 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10

            Walang anu-ano’y nakita ni Tin na gumalaw si Sophie. Parang slow motion ang mga pangyayari at sa isang iglap ay magkaharap na sila. Natigilan si Tin. Mahimbing pa rin ang tulog ng kaibigang malalalim ang bawat hininga. Letcheng asymptotic relationship yan. Hindi kayang tanggapin ng kanyang isipan na yun na lamang ang magiging kahahantungan ng nararamdaman niya kay Sophie. Marahang humugot ng hininga si Tin. Tiningnan ang manipis na labi ni Sophie. Ipinikit ang mga mata. Naalala niya ang larawang nasa mesa na katabi ng kasalukuyan niyang hinihigaan. Alam niyang sa gagawin niya’y maaaring masira ang pagkakaibigan nilang dalawa. Idinilat ni Tin ang mga mata. Hindi niya inaasahang makita ang papalapit na mukha ni Sophie. At kasabay nito ay naramdaman ni Tin ang paglapat ng mala-bulak na mga labi ni Sophie sa mga labi niya. Noon din ay sumabog sa kanyang isipan ang huling bagay na ni-review nila: finding the solution of a system of equations, kung saan ang sagot ay ang point of intersection ng dalawang linya. Napapikit si Tin. Bahagyang ibinuka ang mga labi. Gumanti ng marahang halik.

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 10


(Author's Note: By the way, I've added a Reactions feature at the bottom of each post. Please 'Like' the chapters that you... er... like. Hehe - Lee)

Previous Chapters: 1 2 3 4 5 6 7 8 9

            Isang sulyap sa alarm clock ang kumabog sa isipan ni Tin. Alas kwatro na. Kahit ang himig ng aircon ay di siya kayang ihele. Sa halip, parang mas ginigising siya ng ugong nito. Tumigil na ang paghihilik ni Sophie. Dahan-dahang bumaling si Tin para harapin ang natutulog na kaibigan. Kitang kita niya ang payapang mukha nito. Straight line daw ang shortest distance between two points. Halos isang dangkal lang ang kanilang agwat pero noon naramdaman ni Tin kung gaano kalayo silang dalawa. Hindi isang simpleng straight line ang makakapaglapit sa kanila. Pakiramdam niya’y asymptote lamang siya para kay Sophie. Malapitan niya man nang malapitan ang kaibigan ay hindi niya ito maaabot. Dahil kay David. Hindi. Dahil kahit wala si David ay hindi pa rin pwede. 

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 9


(Author's Note: Ang intense ng mga kaganapan sa birthday celebration ni Yan kagabi c/o @Sleazeeee! [At hanggang 2AM lang kami andun, ano pa kaya mga nangyari after?] At dahil doon, narito ang una sa tatlong chapters na ipo-post ko today. - Lee)

Previous Chapters: 1 2 3 4 5 6 7 8

Kanina ay ni-review sila ng kanilang Math teacher tungkol sa iba’t ibang behavior ng lines. Line na may positive slope, zero slope, undefined slope, at negative slope.  Noon lamang hindi nakapagconcentrate sa Math class si Tin. Napatingin siya kay Sophie na noon ay abalang kinokopya ang mga sinusulat ng guro sa pisara. Line with a negative slope. Patihulog ang itsura ng linyang ito. Kagaya ng damdaming nilabanan niya noong nakaraang walong taon, at muling nagbalik noong magsimula ang pasukan.

Saturday, September 22, 2012

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 8


(Author's Note: At natapos din ang UAAP Cheerdance Competition 2012! Partey partey, UP, FEU and NU! Muli, salamat sa pag-RT @proudmaroon2, @kloseta, @TomboyTips, at @Sapphic_Lounge! Salamat din sa pagbabasa, Yan!  - Lee)

Previous Chapters: 1 2 3 4 5 6 7

Masaya si Tin kapag nakakasama si Sophie. Asar na asar naman siya kapag may ibang nakakasama ito. Lalo na kapag may mga haliparot na lalaking nagpre-presinta na makisabay sa kanila tuwing lunch break o uwian. At mas inis na inis siya kapag pumapayag si Sophie.  Umabot sa sukdulan ang pagka-irita niya last week. Lumapit kay Tin si David, ang pinaka-cute na lalaki sa klase nila. Maputi ito at medyo singkit. Nasa Football Varsity si David. Bago dumating si Sophie ay ito ang laging nakakasama ni Tin dahil hilig din ni Tin ang soccer. Sa unang sleepover niya kina Sophie, sinabi ni Tin sa Truth or Dare na si David ang crush nito sa klase nila. Ayaw kasi siyang tantanan ni Sophie nang sinasabi niyang wala siyang crush. Hindi inaasahan ni Tin ang dahilan ng paglapit ni David sa kanya. Ipinapaabot nito ang love letter para kay Sophie. Kulong-kulo ang dugo niya. Pagdating ng uwian ay ibinigay ni Tin kay Sophie ang sulat. Lalo lang siyang nainis nung binasa ni Sophie sa harap niya mismo ang laman ng love letter. Niyayaya ni David si Sophie upang mag-mall kinabukasan. Matalim na tingin lang ang iginanti niya nang tanungin siya ni Sophie kung gusto niya ring sumama sa mall. Pagkatapos nun ay tinalikuran niya si Sophie. Nagdahilan siya at hindi sumabay kay Sophie sa pag-uwi. Hindi rin naman siya pinilit nito.
Hindi niya tinext si Sophie buong weekend. Sa sobrang inis ay dinelete niya ang number ni Sophie sa cellphone niya. Mula Lunes ay hindi pinapansin ni Tin si Sophie. Kung tinatanong naman siya ng kaibigan ay hindi niya ito kinikibo. Pilit itong nagpapaturo sa Math pero idinadahilan niyang busy siya. Kaya naman si David ang kasa-kasama ni Sophie habang nagpapaburo si Tin sa library. Inis na inis si Tin, pero hindi niya naman maintindihan kung bakit. Hindi niya naman totoong gusto si David. Bakit siya maiinis kung kay Sophie ito may gusto? Natigilan siya sa sumunod niyang naisip. Paano kung may gusto rin si Sophie kay David? 

Friday, September 21, 2012

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 7


(Author's Note: Para sa may mga sleepover kasama ang mga special someone nila tonight. Yihee! At sa mga walang ka-sleepover, apir. Enjoy, everyone! -Lee)

Previous Chapters: 1 2 3 4 5 6

Sandaling kadiliman. Naidlip yata siya. Isang mabilis na tingin sa alarm clock ang nagpabatid kay Tin na 3:05 na ng madaling araw. Ganun pa rin ang anyo ng paligid. Pero naramdaman ni Tin na meron nang nag-iba mula nung huli niyang naaalalang gising siya. Nasa bewang niya ang braso ni Sophie. Pagkawari nito’y may naramdaman siyang mainit na kuryente malapit sa kung saan nakapatong ang braso ng katabi. Nalanghap niya ang amoy ng lavender sa lotion na ipinahid ng kaibigan sa mga braso at binti bago siya matulog kanina. Hindi mapakali si Tin. Gaano na katagal andun ang braso ni Sophie? Gising ba ito? Ano ang gagawin niya? Naputol lamang ang bugso ng mga katanungan sa kanyang isip nang tinanggal ni Sophie ang kanyang braso, tumihaya, at marahang humilik.

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 6


(Author's Note: Last night was really awesome so I've decided to post three chapters today to celebrate the weekend. Woot! Woot! - Lee)

Previous Chapters: 1 2 3 4 5

“Magreview na tayo,” pagbabasag ni Tin sa katahimikan.
“They fought again this morning. Nakakasawa na talaga.”
May mga namumuong luha sa mga mata ni Sophie, nagbabadyang pumatak.
 “Parang inconsistent lines,” wala sa diwang bulong ni Tin.
“What?”
“Inconsistent lines. Walang solusyon. Hindi nagkakatagpo kahit nasa iisang plane lang.”
“Ha! Math na naman,” pa-simpleng ibinaon ni Sophie ang kanyang mukha sa unan. “Yep, they’re like inconsistent lines. Although I don’t think they’re exactly going in the same direction. Mabuti ka pa.”
“Wow. Dahil patay na ang tatay ko? Right, maswerte ako.”
“That’s not what I mean, dummy! At least, hindi mo kailangang ma-stress araw araw dahil sa walang katapusang pag-aaway ng parents mo.”
Sa isang banda ay tama si Sophie. Mula nang mamatay ang kanyang ama sa isang aksidente noong sampung taong gulang siya ay kay Tin na ibinuhos ni Aling Teri ang atensyon nito. Tiningnan ni Tin ang kaibigang nagbubukas ng notebook para sa pagrereview nila. Ayaw na ayaw ni Tin na nakikitang malungkot si Sophie. Gusto niyang siya ang nakakapagpasaya dito.
“Knock, knock,” biglang hirit ni Tin para mawala ang sumpong ng kaibigan.
“Oh boy, here we go again. I’m sure korni yan.”
“Eto naman, ang KJ. Sige na, knock knock na.”
“Ok fine. Who’s there?”
“Skew line.”
“Math pa rin?”
“Skew line!!!”
“Ok, ok! Skew line, who?
“A-skew! Maligo ka na kasi amoy pa-skew ka na.” At gumulong gulong nang katatawa si Tin sa kama ni Sophie.
 “Oh. Em. Gee. Tin, you are the corniest person ever! Wait, asan ang line dun? Di ba skew line dapat?”
“Line-ya naman, andami mo pang sinasabi. Maligo ka na kasi!”
Nabura ang lungkot sa mukha ni Sophie at napalitan ng pagkayamot. Isang malutong na tawa ang iginanti ni Tin sa kanya.

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 5

(Author's Note: Busy-busyhan mode mula kahapon kaya late posting itey. Salamat sa pagsusubaybay!)

Previous Chapters: 1 2 3 4


“Yey! Thanks for coming over! I really need your help.”
“Para namang may choice ako. Bakit ba kasi ngayon ka pa magpapaturo eh bukas na ang exam?”
“Uh, correct me if I’m wrong but I’ve been trying to ask for your help the whole week. Eh hindi mo naman ako pinapansin.”
“Busy ako. At may sarili naman akong buhay, ‘no.”
“Right, so I can’t be part of that life?” Sandaling katahimikan. “You’re just like them.”
Alam ni Tin na seryoso ang pagdaramdam ng kaibigan. Instant Miss Popular si Sophie mula nang dumating ito nung Hunyo. Kasabay ng kanyang pagtangkad ay nabawasan siya ng timbang. Hanggang batok ang itim nitong buhok at bahagyang natatakpan ng bumabagsak na bangs ang bilugan niyang mga mata. Halos lahat ng boys sa klase nila ay agad na nagkagusto dito. Pati seniors at nasa lower years, nagpapa-abot ng pagkagusto kay Sophie. Bukod kasi sa maganda ito’y maayos rin itong makitungo. Madalas man itong Inglisera, nag-Tatagalog din ito kung minsan. Dahil nga magkakilala na sila, si Tin ang agad na nakagaanan ng loob ni Sophie. Noong umpisa ay iniiwasan pa ni Tin si Sophie. May tampo pa rin ito sa biglang pag-alis ng kaibigan may walong taon na ang nakakaraan. Pero dahil na rin sa pangungulit ni Sophie ay hindi niya na ito tuluyang naiwasan. Sa loob ng halos limang buwan mula nang mag-umpisa ang pasukan ay silang dalawa ang madalas magkasama sa recess at lunch break. Minsan ay sinasabay na rin ni Sophie si Tin sa pag-uwi. Maraming kwento si Sophie kay Tin, mula sa mga napuntahan niyang mga lugar sa Amerika, ang pambu-bully na naranasan niya noong bagong dating siya doon, at ang malimit na pag-aaway ng mga magulang nito.

Thursday, September 20, 2012

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 4


(Author's Note: Iba talaga nagagawa ng pag-RT nina @TanginaTibs@TomboyTips at @Sapphic_Lounge! At sa mga friendship na sumusuporta [Toki!], salamat!)

Previous Chapters: 1 2 3

Alas dos na nang umaga pero ayaw pa ring manatiling nakapikit ang mga mata ni Tin. Dumako ang mga ito sa mga picture frame sa ibabaw ng mesang katabi ng kama ni Sophie. Merong kasama ni Sophie ang kanyang mga magulang sa graduation niya sa grade school, si Sophie sa harap ng Statue of Liberty, at si Sophie na kasama siya, kuha noong ika-pitong kaarawan ni Sophie na kasabay ng ikaanim na kaarawan niya. Kahit madilim ay nakikita ni Tin sa larawan ang malapad na ngiti nilang dalawa. Dahil na rin sa mas matanda si Sophie sa kanya ay mas matangkad din ito. Magkaakbay sila. Pulang pula ang mga bibig ni Sophie dahil sa kakakain na spaghetti, samantalang meron namang bahid ng spaghetti sauce ang kanang pisngi ni Tin. Naaalala ni Tin ang araw na yun. Medyo bilugan pa ang hubog ng katawan ni Sophie, samantalang siya naman ay patpatin. Pareho silang naka-Sunday dress, blue ang sa kanya samantalang lila ang kay Sophie. Naaalala niya rin kung paano niya sinuntok ang kapitbahay nilang si Nonoy nung araw na yun. Alam niyang nangyari ang suntukan pagkatapos kunin ang larawang nasa ibabaw ng mesa. Pero hindi niya maalala kung bakit siya nakipagsuntukan. Ang natatandaan lang niya’y matapos yun ay pinagalitan siya ng kanyang Nanay at agad inuwi sa kanila. Kinabukasan ay hindi na niya kinausap si Sophie. Katunayan, hindi na sila nakapag-usap pagkatapos ng kanilang kaarawan. Isang buwan makalipas ang pagdiriwang na iyon ay nagmigrate papuntang Amerika ang pamilya ni Sophie.

Wednesday, September 19, 2012

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 3

(Author's Note: Salamat sa patuloy na pagbabasa. Special mention kay @proudmaroon2!)            

Previous Chapters: 1 2

            “Bakit po, ‘Nay?”                                                                    
            “Eh anak, tumawag sa ‘kin si Sophie. Pinagpapaalam ka, magpapatulong daw para sa exam niyo bukas. Puntahan mo na muna.”
“Ha? ‘Nay, eh mag-aaral din po kaya ako.”
“Eto naman, parang nag-aaral ka na rin niyan. Ano ba naman yung tulungan mo ang kaibigan mo. Tandaan mo, kung hindi dahil sa Mama ni Sophie eh…”
“… wala ako dito ngayon sa mundo,” pagtatapos ni Tin sa linyang saulado na niya. Kahit noong maliit pa siya’y lagi nang kinukwento ng Nanay niya kung paanong si Dr. Suarez ang naging Ob/Gyn nito, na siya ring umalalay sa pagsilang kay Tin.
“Papunta na raw dito yung driver nila para sunduin ka. Sabi ko nga ako na lang ang maghahatid sa ‘yo kasi dyahe naman at maaabala pa sila.”
“Oo nga naman, ‘Nay, dyahe naman at siya pa ang maaabala.”
“Asus… ‘Tong anak kong ito talaga. Huwag ka nang magsungit diyan. Magbihis ka na. Friday naman bukas kaya half-day at PE uniform lang kayo. Yung deodorant tsaka toothbrush mo, huwag mong kalimutan. Tsaka magdala ka ng extra panty…”
“Oh my god. ‘Nay, hindi ako 5 years old!”
“Pinapaalalahanan lang po kita, Maria Kristina. Sige na, bihis na.”

Women Loving by Jhoanna Lynn Cruz

The book was actually published in 2010 but I was only able to get a copy last year. I immediately fell in love with the stories it contained, my favorite being Cielo. (I even wrote a spin-off of that story but details on that in a later post.) Imagine, then, my elation when Ms. Cruz was actually part of one of the writing workshops that I attended last summer. Fan-girl mode activated! She was very down-to-earth, and offered a lot of pieces of advice to this not-completely out lesbian. Yebah!

Women Loving is available in National Bookstore. Grab your copy now!


Kung Hindi Man Makatulog Chapter 2

(Author's Note: Here's the second installment. Special thanks to Twitter's @TanginaTibs and @TomboyTips for RT-ing the link to their followers! Click here for Chapter 1. Enjoy! Again, comments are very welcome and much appreciated. -Lee)


Katatapos lang maghapunan ni Tin nang matanggap niya ang text galing kay Sophie. Kaaakyat niya lang sa kwarto upang mag-aral para sa quiz nila sa Algebra kinabukasan. Nung isang lingo pa niya pinagpapabukas ang pag-aaral. Gusto niya sanang maagang matapos. Ayaw niyang maging lantang gulay kinabukasan dahil sa kakulangan ng tulog. Nakapusod ang buhok niyang hanggang balikat upang maibsan ang alinsangan na hindi kayang puksain ng naghihingalo niyang bentilador. Kabubukas niya lang ng aklat nang tumunog ang kanyang cellphone. Numero lang ang nakalagay at walang pangalan. Alam niyang si Sophie ang tumatawag. Nag-aatubili man ay sinagot niya ito.
“Hey, math genius. Punta ka dito.”
“Ngyak. May pasok tayo bukas. At may exam!”
“That’s why you’re coming over, magpapaturo ako.”
“Tsk. Gabi na. Di ako papayagan ng Nanay. Sige na, bye.”
            Inilagay ni Tin sa Silent ang cellphone at marahang hinagis sa ibabaw ng kanyang kama. Nang maisagawa ng cellphone ang safe landing maneuver ay tinitigan niya pa ito nang ilang segundo. Nakita niya itong umilaw, tanda ng bagong mensaheng natanggap. Sigurado siyang galing yun kay Sophie, malamang para kumbinsihin siyang pumunta sa kanila. Hindi niya ito pinansin at ibinaling ang atensyon sa pinag-aaralan. Hindi niya pa natatapos iguhit ang graph ng f(x)=x2 -5x + 6 nang marinig niya ang pagtawag ng kanyang Nanay mula sa sala. Naiiritang bumaba si Tin.

Tuesday, September 18, 2012

Kung Hindi Man Makatulog Chapter 1

(Author's Note: This is the first in a few chapters of a lesbian-themed story I am writing. Comments are very much welcome.)

Dahan-dahang tinalikuran ni Tin ang kanyang katabi at hinarap ang bintanang natatakpan ng kurtinang pilit itinatangging makapasok ang mga nagkukumahog na hibla ng ilaw galing sa posteng katabi ng bahay. Sinulyapan ni Tin ang pulang mga numerong nagniningas mula sa alarm clock. Pasado ala una na ng madaling araw ngunit gising pa rin ang diwa ni Tin. Pilit niya mang habulin ang antok ay tila may kung anong pwersang pumipigil sa kanya upang hindi niya ito maabutan. Ang mahinahon at pantay na paghinga ng katabing kanina pa hindi gumagalaw ang nagkumpirma sa kanyang hinalang natutulog na nga ito. Malamang ay napagod si Sophie sa pagrereview kagaya ng pagkapagod ni Tin sa paghabol sa antok.

Taking on something new

So I'm thinking of a nice way to fill up this void in the web universe and I thought, Hey, why not get a web serial going?

So...

In a few minutes, I'll be posting Chapter 1 of my first ever web serial.

Hope you enjoy it! :)