Sunday, October 28, 2012

Tangina'ng Kwento

(Author's Note: Para pa rin kay @sleazeeee itoooo! - Lee)

Tumawag ka sa ‘kin isang gabi. Umiiyak.

Huy, bakit?

Tangina, ang sakit-sakit na talaga. Tangina. Tangina.

Writer ka. In fact, isa ka sa mga hinahangaan ko pagdating sa pagsusulat. Ibang klase ang gagap at hagod mo sa mga salita. Swak na swak. Swabeng swabe. Pero nang mga oras na yun, bandang ala una nang madaling araw, habang namamaluktot ako sa lamig ng hanging Disyembre ay naubusan ka ng mga salita.

Tangina, ang sakit-sakit na talaga. Tangina. Tangina.

Ano ba’ng nangyari?

Tangina, break na kami.Tangina. Tangina.

O, hindi ka pa ba nasasanay?

Mababa ang EQ ko. Pagpapatawa ang pang-counter ko sa lahat ng emosyon.

Galit? Patawa.

Takot? Patawa.

Pighati? Patawa.

Huy, tama na yan. Tangina siya, kung di ka niya kayang mahalin, maraming pumipila para pumalit sa kanya, gaga.

Tangina, mahal ko siya. Tangina. Tangina.

Ikaw naman kasi, may sa tanga ka rin eh. Alam mo namang kakikilala mo lang sa haliparot na yun, pinatos mo agad. Ayan tuloy napala mo. Nagpa-jerjer ka na ba sa kanya? Ewww.

See? Low EQ.

Tangina, mahal ko siya. Tangina. Tangina.

Kahit noon pa’y di na talaga umuubra sa ‘yo ang pagpapatawa ko.

Huy, gaga. Itigil mo na sabi ang pag-iyak. Kung ako na lang kasi syinota mo, eh di hindi ka sana umiiyak ngayon.

Garbled sounds.

Torri? Huy, Torri, andyan ka pa ba?

Tapos, suminga ka.

Kath naman, heartbroken na nga ako, nagpapatawa ka pa.

Seryoso, tayo na lang! Mamahalin kita. Hindi kita paiiyakin.

Hahaha! Tangina mo.

Finally, napatawa rin kita.

Kung kelan naman seryoso ako.

Tangina.

No comments:

Post a Comment